WAKASAN ANG 8 TAONG KALBARYO SA TUBIG!

0
114

 

 

 

 

 

Grupo sa SJDM nanawagan ng aksyon sa 8-taong problema sa serbisyo ng tubig.

SAN JOSE DEL MONTE CITY, BULACAN — Nanawagan ang Kilusang TAPAT-SJDM at mga katuwang nitong grupo para sa agarang aksyon kaugnay ng umano’y matagal nang problema sa serbisyo ng tubig sa lungsod. Sa pahayag na inilabas noong Setyembre 26, sinabi ng grupo na walong taon na umano ang paghihintay, pagtitiis at paulit-ulit na pagharap ng mga residente sa problema sa suplay ng tubig.

Iginiit ng grupo na kailangan ng mga mamamayan ang sapat, maaasahan, abot-kaya at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig, lalo na para sa mga pamilya, estudyante, manggagawa, senior citizen at iba pang sektor ng komunidad. Hinihingi ang konkretong solusyon.

 

 

 

 

 

Nanawagan ang Kilusang TAPAT sa mga kinauukulan na magbigay ng malinaw na pananagutan, solusyon at konkretong aksyon sa mga reklamong may kaugnayan sa serbisyo ng tubig.

Ayon sa grupo, hindi dapat maging normal ang paulit-ulit na kakulangan sa serbisyo at ang matagal na paghihintay ng mga consumer para sa maayos na suplay.

Kasabay nito, sinabi ng grupo na dapat nang seryosong pag-aralan ang takeover at iba pang legal na hakbang kung hindi maibibigay ang serbisyong nararapat para sa publiko.

Blue ribbon campaign inilunsad Bahagi rin ng panawagan ng grupo ang paggamit ng blue ribbon bilang simbolo ng pagkakaisa at paglaban para sa mas maayos na serbisyo ng tubig. Mariin nilang ipinahayag ang kanilang panawagang:

“Never Again to PrimeWater/Hiraya Corp. — Yes to Takeover!”

Nanawagan din ang grupo sa mga residente na makiisa sa kanilang kampanya upang itulak ang pagkakaroon ng serbisyong tubig na maaasahan at sapat para sa mga komunidad.

Ang mga pahayag at posisyon na nakasaad sa artikulong ito ay mula sa Kilusang TAPAT-SJDM at mga katuwang nitong grupo

 


Discover more from Current Ph

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.