Pormal nang naghain ng kaniyang kandidatura sa pagka gobernador ng Lalawigan ng Quezon si 4th District Representative Angelina “Helen Tan” ngayong araw ng Linggo sa Lucena City sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Kasama nya ang kaniyang running-mate sa pagka Bise Gobernador na si Third Alcala, Cong. Mark Enverga (Representative, 1st District), Bokal Reynan Arogancia (Representative, 3rd District) at Atorni Mike Tan (Representative, 4th District) na naghain din ng kani-kanilang kandidatura.
Sinabi ni Tan na kapag siya ay nahalal na gobernador ipagpapatuloy nya ang nasimulang HEALING Agenda at lalo pang paiigtingin ang mga program at proyektong pangkalusugan lalo na sa gitna ng kasalukuyang pandemya, livelihood at job generation upang masugpo ang kahirapan.
Ang HEALING Agenda ni Tan ay kumakatawan sa kaniyang adhikain para sa Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure Development, Nature/Environment/Tourism at Good Governance sa pamamagitan ng Serbisyong Tunay At Nautral.
Bago nagtungo sa Comelec Provincial Office nagsimba muna si Tan sa Shrine of Our Lady of Penafrancia na pinangunahan ni Bishop Mel Rey Uy kasama ang kaniyang buong provincial slate at mga taga-suporta.