WAGING SUPPLIER NG NATIONAL ID, PANIBAGONG SMARTMATIC?

on

Pinagpapaliwanag ni Senadora Imee Marcos ang National Economic Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA) kung bakit isang banyagang kumpanya na nababahiran ng mga kontrobersya ang nanalong bidder para gawin ang national ID system, matapos baguhin ang rules sa kalagitnaan ng bidding process.

“Baka matulad na naman ito sa Smartmatic”, ani Marcos, sabay giit na ang kumpanyang Indian na Madras Security Printers at ang Philippine partner nito na Mega Data Corporation na lang ang natirang kuwalipikadong bidder matapos mabago ang bidding rules. 

“Kung maipaliliwanag kaagad ito ng NEDA at PSA, mababawasan ang agam-agam ng publiko sa gagawing pre-registration ng national ID na nakatakda nang simulan sa Lunes (October 12) gayundin ang time target na maiparehistro ang 40 milyong mga Pilipino sa susunod na taon at ang kabuuan ng bansa sa kalagitnaan ng 2022,” ani Marcos.

Ang orihinal na bidding requirement ay dapat may on-premises system na may siguradong naka-set up na data center sa mapipiling lugar, pero nabago ito at napagpasyahang magkaroon din ng remote hosting ng data sa isang cloud-based system.

Nagback-out ang ibang bidder sa ginawang selection process, dahil gipit na sa panahon para baguhin at ayusin ang kanilang logistics at financial bid proposals at makahabol sa tinakdang deadline na ni-reset ng PSA, ayon sa Philippine Computer Society Foundation

Iginiit ni Marcos na nananatiling tadtad ng kontrobersya ang Madras sa mga kontrata nito sa ibang mga bansa, tulad ng lumabas na balita sa  Bangladeshi media nito lang Hulyo na ang nasabing Indian firm ay bigong makapag-deliver ng halos 500,000 cards para sa driving license project ng Bangladesh Road Transport Authority, kaya napilitan ang kanilang gobyerno na saluhin at akuin ang gastos para matapos ang proyekto.

Iniulat din ng African Media na ang Madras ang nagbigay sa Kenya Bureau of Standards  ng markang de-kalidad ang stamp, gayong madali itong magalaw dahil gawa lang ito sa ordinaryong adhesive paper na nagpalala pa sa pagpasok sa bansa ng mga puslit na produkto. 

“Kailangan mas abante tayo at handa kontra sa pagnanakaw ng mga identity o pagkakakilanlan at mga financial fraud, magmula  sa mahusay na pagpili ng klase ng ID card material, system installation at maintenance,” diin ni Marcos. 

Dagdag pa ni Marcos, polycarbonate na ang materyal na gamit sa mga driver’s license hanggang sa pasaporte sa Sweden,  Finland, Switzerland at UK gayundin sa mga kapitbahay na bansa natin tulad ng Singapore at Malaysia. 

“Ang integridad ng ating eleksyon, seribisyo ng mga bangko, healthcare insurance, contact tracing at paghahatid  ng mga ayuda ng gobyerno ay ilalagay sa peligro ng isang palpak na National ID system,” babala ni Marcos, sabay diin at paalala na pangmatagalang gagamitin ang nasabing mga national ID card. 


Discover more from Current PH

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

US-Iran Truce won’t bring fuel relief to the Philippines–not...

Moments after US President Donald Trump and the Islamic Republic of Iran both agreed on a two-week ceasefire, global energy markets briefly calmed. Oil...

Transport Collapse May Happen In the Philippines

By any reasonable measure, the Philippines is drifting toward a transport crisis that is no longer cyclical, but structural. If the government refuses to...

ASEAN Youth Business Summit 2026: Why Young Entrepreneurs Will...

https://www.youtube.com/watch?v=zu13zS1UAGIThe ASEAN Youth Business Summit 2026 brought together young entrepreneurs, innovators, policymakers, and business leaders from across Southeast Asia to discuss one big question:...

Unity in Action: ASEAN Youth Business Summit 2026 Ignites...

Manila, Philippines, March 26, 2026 — The ASEAN Youth Business Summit 2026 concluded successfully, bringing together young entrepreneurs, policymakers, and industry leaders from across...
video

Marcos, Ombudsman Powers, Oil Price Hike & PH Corruption...

https://youtu.be/a2Zv98hjy60 Marcos, Ombudsman Powers, Oil Price Hike & PH Corruption Issues This panel discussion explores the authority of the Ombudsman in handling cases involving public officials,...

Discover more from Current PH

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Current PH

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading