Sa kasagsagan ng issue na naiuugnay patungkol sa mga pangalan na nabangit ng mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya, na nag-uugnay sa mga sangkot sa anumalya sa Flood control projects, Isang balita ang umusbong.
Nakakalap ng sapat na bilang ng pirma si Senate Minority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III upang masungkit kay Senate President Chiz Escudero ang liderato ng Senado.
Ang nasabing labing-limang Senador ay sila Senator Bam Aquino, Pia Cayetano, JV Ejercito, Win Gatchalian, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Lito Lapid, Loren Legarda, Kiko Pangilinan, ang magkapatid na Raffy at Erwin Tulfo, Magkapatid na Mark at Camille Villar, Migz Zubiri, at Tito Sotto.
Malugod namang tinangap ni Senator Chiz Escudero ang naging resulta sa signature campaign. Si Escudero mismo ang nag-padaloy ng Oath of Office ni Sotto bilang kanyang kapalit.
Napalitan din kahapon si Senador Jinggoy Estrada bilang Senate Pro-Tempore na siya namang pinalitan ni Senador Panfilo Lacson.
Pinalitan naman ni Senador Juan Miguel Zubiri si Senador Joel Villanueva bilang bagong Majority Floor Leader.
Kumpiyansa naman ang ilang Senador sa bagong pamunuan ng Senado. Aniya, Nasa mabuting kamay ang institusyon.
Sinigurado naman ni Senador Chiz Escudero na buo ang kanyang suporta sa bagong Liderato at magsisilbi bilang isang simpleng Senador.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
