Kahapon, Setyembre 8 ay nagkaroon ng Public Consultation ang Land Transportation Office. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng Department of Transportation o DoTR.
Isa sa mga nailatag ay ang pagkakaroon ng mas mataas na benepisyo na makukuha ng mga biktima ng aksidente. Ang nasabing hakbangin ay hindi lamang para sa mga biktima, Ito ay upang magkaroon rin ng maayos na boses ang mga operator sa oras ng aksidente.
Inilatag ng Insurance commission ang proposal na maglalahad ng mas pinataas na benepisyo. Iginiit naman ng ahensya na ito ay mangangahulugan rin sa pag-taas ng Premium na binabayaran.
Samantala, Ipinaliwanag ni Traffic Safety Division Acting Chief Danilo Encela ang panukalang bagong proseso sa pagkuha ng lisensya. kabilang ang mas pinag-igting na requirements para sa Professional drivers. kabilang sa nasabing requirements ang comprehensive 32-hour orientation seminar at masusing practical exam.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
