Siyam sa mga Kontratistang konektado sa Gobyerno ang konektado din kay Sarah Discaya. Ito ang pag-amin ni Discaya. Itinangi naman ni Discaya na Ghost Projects ang mga naturang proyekto na konektado sa mga Kontratistang ito.
Kahapon, sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee ng Senado, Sinabi ni Discaya na sa Dalawamput-tatlong taon niya bilang Kontraktor ay ilang taon lamang ang iginugol niya sa Flood control Projects na nag-simula noong 2016.
Tinanong naman ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada si Discaya kung ang siyam na Construction company na nauugnay sa kanya ay nagkaroon ng pagkakataon na sila-sila mismo ang naglaban-laban para sa bidding ng isang Kontrata. Sa una, Itinangi ito ni Discaya, Ngunit kalaunan ay inamin din niya ito matapos magsabi ang Senador na mangangalap ito ng Datos na magpapatunay sa kanyang tanong. Iginiit pa ni Estrada na hindi ito lehitimong Bidding dahil ang mga kompanya ay may iisang may-ari.
Ang Siyam na Kompanyang natukoy ay: Alpha and Omega Construction, St. Timothy Construction, St. Gerrard Construction, Elite General Contractor and Development Corporation, St. Matthew General Contractor & Development, Great Pacific Builders and General Contractor, YPR General Contractor and Construction Supply, Amethyst Horizon Builders and General Contractor & Dev’t Corp. at, Way Maker OPC
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
