Ni: Nino Aclan
PINAGTIBAY na ng senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na pagpapalawig sa termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
Sa Boto 22 ng mga senador na walang isa man ang tumutol o nagpahayag ng abstemnsion sa naturang panukala.
Sa bersyon ng senado nais nilang makaupo ang isang opisyal ng Bagrangay at SK ng hanggang labing 12 taon sa kanyang kabuuang termino.
Ang isang termino ng isang opisyal ay mayroon siyang apat na taon at maari siyang maupo sa loob ng tatlong termino na mayroong kabuuang 12 taon.
Sa kasalukuyan ang termino ng mga opisyal ng Barangay at SK ay tatlong termino lamang na tatlong taon kada termino na may kabuuang siyam na taon para sa kabuuang termino po.
Naiiksian kasi ang mga senador sa tatlong taon kada termino ng mga opisyal dahil kulang ito para sa kanilang mga programa para sa kanilang nasasakupang barangay.
Layon din ng panukalang batas ang matigil na ang palagiang extesion of term para sa mga opisyal.
Nakapaloob din sa naturang panukalang batas na pinagtibay ng senado ang pagsasagawa ng halalan sa Oktubre 20, 2027.
Ang panukalang batas ng senado ay hindi pa pinal na batas dahil sa ito ay dadaan pa sa bicameral conference committee at pag-iisahin pa ang bersyon ng mababang kapulungan at senado.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
