Puganteng Japanese National Naipa-Deport na ng BI Pabalik ng Japan
Ni: Nino Aclan
MATAGUMPAY nang naipatapon ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanyang bansa ang isang Japanese National na inaresto noong nakaraang taon dahil sa pagiging pugante sa kanyang sariling bansa.
Ang pugante ay positibong kinilalang si Sasaki Yohei, 36, ay naaresto noong Oktubre 1 sa kahabaan ng Mercury Street sa Bahay Toro, Quezon City.
Palabas na sana ng bansa ang pugante na sakay-sakay ng Japan Airlines flight patungong Tokyo kamakalawa ng umaga.
Nabatid na ipinag-utos ng BI ang kanyang pagpapatapon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa gobyerno ng Japan sa kanyang mga nagawang krimen.
Sa ipinalabas na komunikasyon ng Japan authority, si Yohei ay may active warrant of arrest na inisyu ng Omiya summary court sa Saitama, Japan kung saan siya ay kinasuhan dahil sa panloloko sa isang matandang biktima sa isang nursing home kung saan siya nagtatrabaho bilang isang staff member.
Hinikayat umano ng suspect ang mga biktima na mag-invest ng mahigit 3 milyong yen sa isang pekeng kontratang may kinalaman sa transaksyon.
Miyembro din ang Japanese na ito ng isang telecom fraud syndicate na nakabase sa Cambodia na sangkot sa kidnapping illegal distention at extortion.
Photo Credit: PNA
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
