
Pasay LGU Namahagi sa mga Barangay nito ng mga Kagamitang Pang Kalamidad
Ni: Nino Aclan
Pinangunahan ni Pasay city Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagbibigay ng mga rescue equipment sa ilang mga Brgy na nasasakupan nito.
Ayon kay Calixto-Rubiano na kabilang dito ang fiberglass boats, rescue life vests, ring buoys, water ropes, rescue cans, at rescue helmets.
Partikular na ipinamahagi ang nasabing mga kagamitan sa mga brgy na malapit sa ilog at posibleng bahain.
Paliwanag ng pamunuan ng Pasay na ito ang kanilang hakbang upang maihanda ang mga kagamitang pagtugon sa emergency sa pagtaas ng ilog at pagbaha.
Kabilang sa mga tumanggap ng mga kagamitan ay ang mga sumusunod Brgy. 176, 177, 178, 179, 180, 181, 182, 183, 184 at 201 ang ito kasabay ang pagtuturo ng mga paraan ng paggamit at pangangalaga nito.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
