Senator Dela Rosa Hinamon ang Sinuman na Sampahan ng Kaso si PRRD!

on

Senator Dela Rosa Hinamon ang Sinuman na Sampahan ng Kaso si PRRD!

By: Nino Aclan

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang sinuman na magsampa ng kaso kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kung talagang may sapat na batayan batay sa kaniyang naging pahayag sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng senado ukol sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ayon kay dela Rosa sa pagdinig naman ng senado ay buong tapang na sinabi ni Duterte na inaako niya ang lahat ng responsibilidad ukol sa naganap na programa at proseso sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Binigyang-diin ni dela Rosa na kung paanong buong tapang na humarap sa senado ang dating Pangulo ay tiyak na hindi niya aatrasan ang anumang kasong ihahabla laban sa kanya.
Nanindigan din si dela Rosa na sa kanyang palagay ay wala siyang nakikitang naging masamang pahayag ng dating Pangulo sa pagdinig upang basehan para masampahan ito ng kaso.

Ngunit isa ang nais niyang linawin sa publiko na kailanman ay hindi siya nakarinig ng utos kay Duterte noong siya ang Philippine National Police (PNP) Chief na sinumang mahuli ninyo na sangkot sa droga ay patayin at barilin ninyo sabihin lang na nanlaban.

Naniniwala din si dela Rosa na sinumang pulis lalo na siya na galing sa academy ay hindi sunod-sunod sa ganoong utos ninuman lalo na’t siya naman ay alam niya ang tama at mali.
Samantala sinabi ni dela Rosa na ang kahilingan niyang ipatawag si Ronnie Dayan at Kerwin Espinosa ay hindi upang hiyain si dating Senador Leila de Lima kundi upang bigyang linaw ang mga pahayag nito na mayroon siyang kinalaman upang ituro ang dating senador.

Paglilinaw din ni dela Rosa na hindi wala na din saysay ang anupang sasabihin ng dalawa laban kay de Lima lalo na’t nalitis na ng korte ang kaso nito at nabigyan na ng hatol.


Discover more from Current Ph

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

BRING YOUR VISION TO LIFE WITH IMPACT PUBLISHING!

From personal milestones to professional events, we bring your special moments and creative ideas to life through high-quality, professional media production. Our Creative Media Services...

Massive Fuel Hike: Diesel Prices Could Rise ₱10/Liter

Industry estimates indicate that diesel prices could rise by P10 to P10.50 per liter next week after four trading days. Meanwhile, the price of gasoline...

BRING YOUR VISION TO LIFE WITH IMPACT PUBLISHING!

BRING YOUR VISION TO LIFE WITH IMPACT PUBLISHING! From personal milestones to professional events, we bring your special moments and creative ideas to life through...

PUBLIC ADVISORY (Sept 17): WE WILL CONSOLIDATE SELECTED TRIPS

PUBLIC ADVISORY (Sept 17): WE WILL CONSOLIDATE SELECTED TRIPS To help us continue serving the public amid the continuing rise in fuel and operating costs,...

BRING YOUR VISION TO LIFE WITH IMPACT PUBLISHING!

  From personal milestones to professional events, we bring your special moments and creative ideas to life through high-quality, professional media production. Our Creative Media...

Discover more from Current Ph

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Current Ph

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading