Ni: Nino Aclan
KINILALALA ng Department of Health National Capital Region(DOH-NCR ) ang mga organisasyong pampubliko at pribado dahil sa ginawa nitong pag dodonate ng dugo.
Ang naturang pagkilala sa mga blood donors ng DOH ay batay sa republic act no. 7719 kung saan nagsusulong ito ng voluntary blood donation o mas kilala bilang national blood services act of 1994.
Ayon sa DOH para maipagpatuloy ang layunin ng naturang batas ay kikilalanin ng Philippine blood center ang mga donors na walang pag aalinlangan nagbigay ng kanilang dugo, oras at suporta sa national voluntary blood services program ng DOH.
Idiagdag pa ng DOH na layon ng naturang parangal ay maipromote at bigyang diin ang kahalagahan ng pagdodonate ng dugo.
Aabot sa 135 organizations ang kinilala ngayong ng DOH dahil sa naging kontribusyon ng mga ito sa blood donation ng bansa.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
