VAT sa digital services magpapantay sa kompetisyon sa gitna ng tumataas na demand —Gatchalian…

on

Ni: Nino Aclan

TAHASANG sinabi ni Senador Win Gatchalian na ang pagsasabatas ng pagpataw ng value-added tax (VAT) sa mga digital services ay magpapantay ng kompetisyon sa gitna ng lumalaking demand sa mga digital services.

“Mahalaga ang patas na patakaran sa pagbubuwis para sa lahat ng digital service providers, maging sila ay non-resident o lokal,” sabi ni Gatchalian, kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act 112023, na nagtatakdang magpataw ng 12% VAT sa mga digital na serbisyo.

Nilinaw ni Gatchalian na ang bagong batas na ito ay hindi nangangahulugan ng bagong pagpapataw ng buwis. “Hindi tayo nagpapataw ng bagong buwis. Kokolektahin lang natin ang buwis na dapat talaga nating nakokolekta mula sa mga dayuhang digital service providers,” aniya.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, ipinaliwanag ni Gatchalian na sa Section 108 ng Tax Code, ang pagbebenta ng mga serbisyong isinasagawa sa bansa ay dapat patawan ng VAT. Kaya’t lahat ng digital service providers ay dapat patawan ng VAT, dayuhan man o residente ng bansa.

Gayunpaman, dahil sa medyo may kalabuan ang batas, naging hindi malinaw ang pagbubuwis sa mga dayuhang digital service provider. “Dahil sa pagsasabatas ng panukalang ito, may mandato ang gobyerno para singilin ang mga dayuhang digital service provider na magbayad ng 12% VAT,” ani Gatchalian.

Binigyang-diin ng senador na ang kabiguan noon sa pagpapataw at pangongolekta ng buwis mula sa mga non-resident digital service provider ay sumasalungat sa pangunahing prinsipyo ng pantay na pagbubuwis, na nagdudulot ng kawalan ng balanse sa kompetisyon sa pagitan ng mga domestic at foreign service provider at inilalagay sa alanganin ang mga lokal na negosyo.

Tinukoy ng senador ang mga streaming platform bilang halimbawa. Habang ang local platforms tulad ng iWantTFC at Vivamax ay pinapatawan ng VAT, ang mga subscription sa mga foreign counterparts gaya ng Netflix at HBO Go ay hindi. Nagdudulot ito ng hindi patas na kompetisyon sa pagitan ng lokal at dayuhang digital service provider.

“Ang sitwasyong ito ay humahadlang sa kakayahan ng pamahalaan na makakolekta ng sapat na buwis mula sa lumalagong digital economy,” aniya. Batay sa datos ng Department of Finance, ang pagpapatupad ng koleksyon ng VAT sa mga digital service provider ay may potensyal na makalikom ng karagdagang P83.8 bilyong mula 2024 hanggang 2028.


Discover more from CurrentPh News

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

Hidden Garden: A story of healing, resilience and the...

  Hidden Garden: A story of healing, resilience and the spirit of Christmas Nestled in Bulala, Vigan City, Ilocos Sur, Hidden Garden offers more than picturesque...

A taste of Vigan: The craft and story behind...

  Vigan empanada is more than just a well-loved Ilocano delicacy. Behind its distinct orange crust and savory filling is a story of local entrepreneurship,...

THERE IS NO PEACE IN PAX SILICA: The American...

Pax Silica promises economic security. But whose security? It speaks of technological progress, supply-chain resilience and strategic cooperation. What it does not promise is...

High food prices, corruption dominate Filipinos’ online concerns —...

MANILA, Philippines— Rising food prices, demands for higher wages, and allegations of corruption involving government flood-control projects dominate online discussions nationwide, according to Matanaw...

Tiu-Laurel, may koneksyon sa isang rice importer?

Sinisilip ang posibleng conflict of interest ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos lumutang ang kanyang corporate connection sa Planters...

Discover more from CurrentPh News

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading