Matuto ang Kasaysayan.
Pinaalala ni Ret. Col Mar Santiago na maaring maulit ang kasaysayan kung di tayo matututo sa ating mga pagkakamali.
Isa si Santiago sa convenor ng Alyansa ng NagkakaIsang Mamamayan na inilunsad noong Biyernes sa makasaysayang Club Filipino sa Greenhills. Bahagi si Santiago ng Reform the Armed Forces Movement na naging mitsa ng pagbabago nang sila’y bumaklas sa diktaduryang Marcos noong 1986.
Bagamat senior citizen na, marubdob pa rin ang pananampalataya ni Santiago na magkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa ating lipunan.
Noong tanungin kung ano ang gagawin ng ANIM, nagbabala si Santiago na kung hindi ipapatupad ng kasalukuyang pamahalaan ang mga repormang elektoral at aksyon laban sa lumalalang korupsyon na kanilang pinanawagan, maaaring maulit ang kasaysayang kanilang sinimulan noong 1986.
#ANIM, #Philippines, #ElectoralReforms, #Corruption, #HistoryRepeats, #LearnFromMistakes, #PoliticalChange, #ANIMMovement, #GovernmentAccountability, #ColMarSantiago
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
