Ngayong papalapit na ang national elections, nagkandarapa diumano ang mga contractors sa pagbili ng mga registered partylist organizations. Ayon sa ating source, tumataginting na 5-9 million pesos daw ang hinihingi ng mga may-ari ng registered partylist organizations.
At kung dun naman sa mga magpapa rehistro daw ng bagong partylist, ang requirement daw ng mga taga Commission on Elections o Comelec ay mahigit 5 milyong piso.
Talamak ang mga ganitong tsismis kapagka eleksyon. Marami kasi sa ating mga dambuhalang businessmen ang sumasali sa pulitika para protektahan ang kani-kanilang mga business interests. Pano naman, sobra sobra naman kasi ang ilang mga korup nating mga opisyales de gobyerno sa pagsakal at paniniil sa mga businessmen. Kaya mismong mga businessmen o contractors na ang gumagawa ng paraan para masiguradong hindi sila yayariin ng mga opisyales na ito.
Sa totoo, ito na ang bagong “kalkarna”, ika nga. Panalo ka kasi kung may partylist ka. Iyo na ang 120 million pesos na budget, popular ka pa at halos panginooin ka ng lahat. Iba syempre kung tongresman, este, Congressman.
Marami din naman sa ating mga businessmen ay matitino. Pero karamihan, may ulterior motive.
Sino-sino ba daw ang mga nagbebenta? According to our source, me ilang mga regional directors ng Comelec ang gumigimik. Yung iba naman, mga staffers ng Comelec na involved sa operations. Karamihan sa mga ito, sa totoo, cannot produce what they promise to their contacts. Pero, ang rami pa rin daw nauuto.
Paging our good friend, Atty. George Garcia, chairman ng Comelec. Sir, pakitingin naman ito.