fbpx
Wednesday, November 29, 2023

Duterte-Go–pambato ng administrasyon? O Talagang BBM-Sara?

Mukhang nagkaigihan at tila sarswela lamang ang diumano’y alitan sa pagitan nina Presidential daughter Sara Duterte at Senator Bong Go. Sa mga panayam sa kanila sa araw na ito, tila ba pinapalabas na “ligawin” itong si Sara at mayroon itong napakaraming suitors: naryan si Cong. Martin Romualdez, dating defense secretary Gibo Teodoro, dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pati ba naman pangalan ni Imee Marcos Manotoc, nahila pa. Ano yan?

Sa totoo, ginugulo lang nila ang sitwasyon para di makapaghanda ang oposisyon. Syempre pa, kung malaman talagang Sara Duterte-Bong Go yan, titining ang tubig at lalabas ang totoong sarswela lamang ang palabas na Go-Duterte ng PDP-Laban at ang talagang pambato ng administrasyon ay ang presidential daughter at presidential alalay, este, ally.

Ang totoo– walang intensyong tumakbo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Aminadong pagal at sawa na sa politika ang 77 anyos na Chief Executive. Nais na talaga nitong mag-retiro pero takot itong mabitbit ng mga itatalaga ng International Court of Justice (ICJ) sa sandaling maging final and executory ang kasong inirekomenda dito na konektado sa madugong EJK sa nabulilyasong anti-drugs campaign.

At, aminin natin na sticky posts ang naglabasang kaugnayan ng Pangulo sa mga hinihinalang kriminal sa Taiwan na lumabas na sobrang lapit sa kanya maging noong una pa sa Davao. Galaw sindikato ba ang dating? Parang ganun ang nabubuong paniwala ng madla sa mga naglalabasang balita.

Sticky din ang akusasyong malapit si Duterte sa China–isang bagay na tunay na kinamumuhian ng marami, lalo na ngayong pandemic na ang parang naging impresyon ay pabaya ang gobyerno at kinikitaan lamang ang madla sa mga PPE’s, face masks at face shields na galing sa mga Tsinong kakampi ni Duterte di lang sa pulitika, maging siguro sa negosyo.

Nabubuo na sa kamalayan ng karamihan na malayong malayo si Duterte sa mga katangiang ipinaglandakan into noong siya pa ay namamalikluhod sa ating mga suporta. Lumalabas na siya ay isang papet na kontrolado ng mga puwersang may hangaring magsamantala sa pamahalaan ng Pilipinas. Ang masama dito sa loob ng lima hanggang anim na taon, sapat itong panahon upang makalikha ng isang malakas na sindikatong nakaugnay sa China ngunit unti-unting kinokontrol rin ang ating estado.

Ito ay isang pangitaing nakakatakot.

Kung totoo ngang Duterte-Go, sân kaya pupulutin si BBM at si Pacquiao? Kapwa nagpahaging ang mga ito na kanilang ilulunsad ang kani-kanilang mga kampanya gamit ang kanilang sariling mga makinarya. Tiyak na mahahati ang boto ng administrasyon, kung magkakataon. Gulo ito.

 

Filobserverhttp://filobserver.wordpress.com
FilObserver aims to be the top most in mind when it comes to Philippine and Asian news, culture, information and opinions.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Socials

3,500FansLike
25FollowersFollow
287SubscribersSubscribe

Latest

VP Sara Duterte to be impeached?

Speaker Martin Romualdez and his political allies deny allegations circulating that moves to impeach Vice President Sara Duterte are ongoing. House Majority Leader Jose...

Duterte’s Downfall: A Tragedy Orchestrated by His Associates

Witnessing the current state of former President Rodrigo Roa Duterte is nothing short of a lamentable spectacle. Let's face it – the once self-proclaimed...

Senator Leila De Lima Freed at last

After six long years in prison, former Senator Leila de Lima is now free to rebuild her life. Her freedom comes from a successful...

2025 Elections and the West Philippine Sea: Dangerous TimeI

There is a creeping danger against our democracy. And this is about the existence of a group of former government officials whose allegiance to...

Philippine democracy is in danger

Several analysts think that Philippine democracy is in danger. Why? Because many Filipino politicians swear allegiance to our neighboring superpower, China.  Don't get me wrong--there...
%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights