Patong-patong na ang mga problema na hinaharap ng mga pilipino sa gitna ng pandemya at mas lalong tumitindi ito dahil sa mahirap pa rin ang pagsakay sa mga pampublikong sakayan dahil sa limitado lamang ang kapasidad na pinapayagan para mabawasan ang pagkalat ng Covid-19 pandemic sa bansa.
Kasabay nito ang pananamantala ng mga kolorum na sasakyan na doble hanggang triple ang singil sa ating mga kababayan na pumapasok at lumalabas ng Metro Manila.
Halimbawa na lamang ay ang presyo ng pasahe sa mga kolorum na biyaheng pangasinan kung saan gagastos ka ng mula P1,300 hanggang P2,000 kumpara sa P350-P500 kung sasakay ka sa mga Private Bus Terminals, apat na beses na mas mataas ang mga kolorum sa mga bus kaya mas masakit sa bulsa ng isang simpleng mamamayan.
Bukod sa pagiging illegal ng mga ito ay hindi rin naman nasusunod ang social distancing sa mga kolorum na van, wala rin safety measures na ipinatutupad para masigurado ang kaligtasan ng mga sasakay na pasahero.
Isa lamang ito sa mga dahilan kung bakit mas na eexpose ang mga tao sa virus at mas tumataas ang bilang ng mga tinatamaan nito sa bansa kada araw.
Hiling ng mga commuters, ibalik ang operasyon ng mga provincial buses.
A VIDEO FEATURED BY NCAP LGU HUB FACEBOOK PAGE