Sagot sa COVID-19? Yantok

0
380

Last akong nakakita ng yantok? Noong nineteen seventies nang nakatira pa kami sa Santa Ana. Seven years old, Martial Law at magulo. Isang payat na lalaking walang t-shirt at naka-shorts ang may dala-dalang yantok na ginamit niyang pampaputok ng ulo ng kabasag-ulo niya sa may kanto. Habang kagulo ang mga tao sa kahihintay ng relief mula sa helicopter ni Makoy dahil hindi makapasok ang mga truck ng gobyerno sa amin dahil sa lampas taong baha dulot ng bagyo.

Fast forward—nineteen nineties, yantok ang dumantay sa likod ko nang basagin ng mga pulis ang mapayapang rally namin laban sa Military Bases Agreement sa harap ng Vietnamese embassy sa Vito Cruz sa Maynila. Ilang ulit kong sinalag ang palo ng pulis ng yantok ngunit mukhang mala demonyo ang pulis sa kakapalo at naaalala ko pa ang ngising aso ng pulis habang kita niyang nasasaktan na ako dahil sa gamit niyang yantok.

Ten years later, yantok din ang ginamit ng mga pulis para buwagin ang demonstrasyon namin laban sa dayaang naganap sa eleksyon sa pagitan ni FPJ at Gloria. Libo-libong Pilipino ang dumagsa sa Welcome Rotonda upan suportahan si FPJ sa laban niya kontra malawakang dayaan sa halalan. Kitang-kita ko habang pinapalo ng yantok si Rex Cortez at Nino Muhlach na kasama kong nagpapahayag ng galit dahil sa pag-alipusta sa demokrasya.

Another ten years at mukhang muli akong makakakita ng yantok sa tanang buhay ko. Sabi ng Philippine National Police, gagamit daw sila ng yantok upang ipatupad ang social distancing sa mga Pilipino. Parang ganito lang yun— ano ang turing nila sa ting pangkaraniwang mamamayan, tupa? At sino naman sila? Pastol?

Sa paglabas-labas ko sa araw-araw, kitang kita ko papaano sumunod ng kusa ang mga Pilipino kapağka lalabas sila ng kani-kanilang pamamahay. Suot-suot ang face mask at face shield na wala namang kasaysay-say, ganito ang mga Pinoy kada labas ng bahay. Ibig sabihin, responsable ang Pinoy.

Bakit hindi gamitin ng pulis ang yantok nila sa mga dayuhang INtsik na kitang-kita kong lumalabag sa social distancing hindi lamang sa Makati kung hindi sa Clark at Subic? Palaging mga nakainom mga yan, bakit sa Pinoy lang ang yantok?

At hindi lamang tupa kung hindi parang Batang ituring ng PNP ang kapwa Pilipino sa planong paggamit ng yantok.

Cge, try ninyong gamin ang yantok at pagyayantukin ninyo ang mga Pilipino, lalo na ako. Ibang klaseng yantok na galing sa mga mamamayan ang igaganti naming pabalik sa inyo. Promise.

 

 

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.