
MANILA – Libo-libong kawani ng Department of Environment and Natural Resources, Metro Manila Development Authority, Maritime Group at Manila Police District, Philippine Coast Guard, Boy Scout River Warriors at iba pang volunteers na galing sa mga pribadong ahensya ang nakilahok sa pagkalaykay ng mga basura tangan ang plastic trash bags, walis, at dust sa pagdiriwang ng unang taong anibersaryo ng Battle of Manila Bay sa Baseco Port Area Maynila.

Ayon kay Sen. Cyntia A.Villar, dapat na alagaan at linisan araw araw ang pampang ng Baseco dahil ito ang sumasalamin sa Manila Bay na siyang sinang-ayunan naman agad ni DENR Sec. Roy Cimatu. Si MMDA chairman Danny Lim ay nakilahok din sa naturang aktibidades.

Noong nakaraang taon magugunitang malaking porsyento ng coliform level ang natunghayan ngunit bumaba na ito mula ng ilunsad ang Battle of Manila Bay cleanup operations sa baybayin ng Baseco at nawala na rin ang masamang amoy nito. (BENJAMIN CUARESMA/IAMIGO)
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
