
Ni Benjie Cuaresma
MANILA — Arestado ang isang carnaper ng motorsiklo matapos ang isinagawang follow-up operation ng DID-S.M.A.R.T. sa pangunguna ni Police Major Cicero Pura at Police Captain Edward Samonte kasama ang mga operatiba ng MPD Station Station 1.
Sa imbistigasyon ng istasyon, personal na nagtungo sa himpilan ang biktimang sina Kristopher Parone, 39, residente ng 062 Malugay St., Parañaque City at Daren Bandelaria, 32, residente ng 1339 Sevilla St. Brgy. 73 Tondo, Maynila upang ireklo ang pag-carnap ng kanilang motor.
Nangyari ang pang-aagaw ng motor sa kahabaan ng Lopez Blvd., Tondo Manila sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-5 ng umaga ng Enero 19, 2020.
Ang suspek na ihinarap kay MPD Di. Brig. General Bernabe Balba na si Angelo Alano, 26, ng 480 Conquera St., Barangay 82 Tondo, Maynila. Sinampahan na ang suspect ng kasong paglabag sa violation of Republic Act 10883 na mas lalong kilala sa bagong katawagan ng anti-carnaping Act of 2016. (Benjie Cuaresma/IAMIGO)
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
