A raging inferno that ate up around 100 houses in Tondo, Manila. (Benjie Cuaresma/iamigo/currentph.com)
Ni Benjie Cuaresma
MANILA, Philippines — Limang katao diumano ang naitalang sugatan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Lico St., Brgy 210 Zone 19, Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Reynaldo Fortuna Jr., Mike Dimalanta, Robert Santilleces, JL Datu at Fire Officer 2 Morissima Bulaong na nasugatan sa kamay sa kasagsagan ng sunog.
Nagsimula ang apoy sa ika-4 na palapag ng bahay ni Rolando Viray na mabilis kumalat sa mga dikit-dikit na katabing bahay na mabilis nagdingas dahil sa gawa sa light materials
Alas-12:54 nang itaas sa unang alarm ng sunog, alas-2:40 naman ng madaling araw ay iniakyat na ito sa Task Force Delta habang dakong alas-4:22 na ng umaga idineklarang kontrolado na ang sunog.
Fire out declared after four hours. (Benjie Cuaresma)
Natagalan diumano ang pagdekalra ng fire out dahil hindi makapasok sa masikip na kalye ang fire truck at nagkaproblema sa tubig dahil walang makuha sa mga fire hydrant sa mga gilid ng kalye ng Rizal Avenue.
Idineklaramg fire out ang sunog dakong alas 6:07 na ng umaga.
Tinatayang isandaang bahay ang natupok at ayon sa Manila Fire District ay umaabot sa isa at kalahating milyong piso ang halaga nang idinulot na pinsala. (BENJAMIN CUARESMA/IAMIGO/Currentph.com)