Habang nagaganap ang pagdinig sa Senado, Ipinakita ni Senator Erwin Tulfo ang isang Litrato ng isang lalaking naka-kulay Asul na may hawak na Cellphone kaharap ang bulto ng pera mula sa mga proyekto ng DPWH.
Hayagang idiniin ni Senator Tulfo si dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara na siya ang nasa larawang hawak nito.
Sa una ay mariin ang pagtangi ni Alcantara na siya ang nasa larawan, hangang sa paunti unti ay maririnig sa kanya ang mga salitang “Maari pong ako” o di kaya “Baka po ako”.Sa huli, inamin ni Alcantara na siya ang nasa larawan.
Inamin naman ni Alcantara na nakatangap siya ng mga regalo mula kay JP Mendoza at Brice Hernandez ngunit ayon sa kanya ay ibinalik niya ang mga ito. Kontra ito sa pahayag ni Brice Hernandez na sinasabing humingi sa kanya si Alcantara ng isang GMC Luxury car na may halagang mahigit 10 Million Pesos, SUV Land cruiser at isang Patek Philippe wrist watch na may halaga namang 5 million Pesos. Lahat kinuha sa pondo ng Baha.
Nagngingit naman sa galit ang sambayanan sa natuklasang ito. Aniya, Tila yata wala ng takot ang mga dorobo sa kanilang ginawa.Nakakahumindik ang mga pigura na nakikita at tila yata sobra sobra ang pagkaganid ng mga magnanakaw.
Mahalagang may mapanagot. Umamin ang dapat umamin, Parusahan ang dapat parusahan nang sa gayon ay hindi na pamarisan pa.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
