Sa harap ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila kaninang umaga,
nanawagan ang Partido Lakas ng Masa (PLM), kasama ang Sanlakas, at Bukluran ng
Manggagawang Pilipino (BMP) na agarang imbestigahan at i-diskwalipika ang 27 politikong
tumanggap ng pera at donasyon mula sa mga kontraktor ng flood control project.
Mariing iginiit ng mga progresibong organisasyon na malinaw ang probisyon ng batas.
Nakasaad sa Article XI, Section 95(c) ng Omnibus Election Code:
“No contribution for purposes of partisan political activity shall be made directly or
indirectly by… natural and juridical persons who hold contracts or sub-contracts to
supply the government… with goods or services or to perform construction or other
works.”
Ang naturang direktiba ay itinakda upang hadlangan ang impluwensiya ng mga kontraktor at
negosyante sa halalan at upang mapanatili ang integridad ng ating demokratikong proseso.
Ayon kay Ka Leody De Guzman, Presidente ng Partido Lakas ng Masa: “Nananawagan
kami kay Chairman George Garcia at sa buong COMELEC na sabay-sabay nating ikampanya
ang laban sa korapsyon. Panahon na upang imbestigahan ang 27 kandidato na tumanggap ng
ilegal na donasyon mula sa mga kontraktor na nagnakaw sa Flood Control Project. Hindi dapat
makalusot ang ganitong garapalang sabwatan.”
IMBESTIGAHAN AT I-DISQUALIFY ANG MGA NANALONG PULITIKONG TUMANGGAP
NG DONASYON MULA SA MGA KONTRAKTOR, NGAYON NA!
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
