Ni: Nino AclanNASAKOTE ng tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 12 Chinese National at limang Filipino na sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore and Gaming Operation (POGO) sa bansa dahil sa panunuhol sa mga tauhan nito.
Ayon kay NBI Director at dating Judge Jaime Santiago tinangka ng mga ito na suhulan ang mga ahente ng NBI na umabot sa halagang 3.6 milyong piso.
Ngunit sinabi Santiago na hindi na umabot sa naturang kabuuang halaga pa ang suhol dahil sa ito ay ginawang pautay-utay sa unang suhol na halagang 900 libong piso ay agad nang inaresto ng mga tauhan ng NBI ang naturang grupo.
Positibong kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina XU CHAO, MENG WEI SHI, XING CHAO, QIN HAI FENG, LI XIANG HUA, ZHANG WEI, WANG QIN XIANG, WANG JIA FA, JIANG QI LONG, LUO SHANG FEN, QIXIN WANG, at CHEN JIANG SONG.
Mismong sa ikalawang palapag ng parking lot ng NBI naganap ang tangkang panunuhol sa mga tauhan ng NBI at dito na din inaresto ang mga suspek.
Ang mga Filipino namang agad na naaresto ay kinilalang sina ROBUSTIANO HIZON, JOHN ABUNDA VILLANUEVA, KRISTOFFER RYAN HABELITO BAGUNA at HANIF MALA BAUTIL.
Ang mga naaresto ay agad ding dinala ng NBI sa Paranaque City Prosecutor Office upang sampahan ng kasong paglabag sa Computer-Related Forgery under Section 4(b)(1) ng Republic Act (RA) 10175 na mas kilala din s atawag na Cybercrime Prevention Act of 2012; Social Engineering Schemes under Section 4(b)(1), at Economic Sabotage sa ilalim ng Section 4(c)(1) ng R.A 12010 o kilala sa tawag na Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) kaugnay sa R.A. 10175.
Samanatalang ang limang Filipino naman ay sinampahan din ng kasong Corruption of Public Officials under Article 212 of the Revised Penal Code sa Pasay City Prosecutor office.
Bukod sa POGO ay sangkot din ang mga ito sa love scam, crypto currency scam, at fake investment scheme.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
