Ni: Nino Aclan
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) ang isang wanted na Chinese National na sangkot sa human trafficking at prostitusyon.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang 51-anyos na si Du Shuizhong ay naharang sa NAIA terminal 1 nang siya ay pasakay ng Air China flight papuntang Chengdu, China.
Hindi pinayagang umalis si Du at sa halip ay inaresto ito at dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Sinabi ni Viado, ibabalik si Du sa China alinsunod sa deportation order na inilabas ng BI board of commissioners laban sa kanya noong Nobyembre ng nakaraang taon dahil sa pagiging undesirable alien.
Mananatili siya sa pasilidad ng BI hanggang sa implementasyon ng kanyang deportasyon at inilagay na din siya sa blacklist at pinagbawalan na muling makapasok sa bansa.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
