Chiz Escudero manok ng administrasyon vs. Sara Duterte?

on

Mukhang pinapalagan ni Senate president Chiz Escudero si Vice president Sara Duterte. Makaraang mag rant na naman itong si Sara laban sa BBM administration, aba, sinong dumipensa sa Pangulo? Walang iba kundi si Escudero na pinamukha at pina-alala sa ating kagalang-galang na bise presidente kung papaano pumalpak ang kanyang ama si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyang tuldok ang mga problema ng bayan noong sila’y nasasa kapangyarihan.

Intriga yan. Matatandaang halos walang naririnig kay Escudero nitong mga nakaraang taon at tanging ang pagsama sama niya sa mga gimik ng kanyang asawang si Heart Evangelista lamang ang nababalita tungkol sa kanya.

Pero, noong nagkaroon ng seryosong iringan ang mga senador sa ilalim ng pamamahala ni Senator Migz Zubiri, aba, pumailang ilang agad itong si Escudero sa kaalaman ng madla. In fact, mas mataas pa ang nakuhang ratings ni Chiz kaysa sa bise presidente sa nakaraang Social Weather Stations (SWS) survey.

Tanong– si Chiz ba ang ipapambala ng ibang kaalyado ng Pangulong Marcos this coming 2028 elections? Posible. Ang tanong–magiging king maker ba si Chiz Escudero sa darating na halalang 2025?

Makikita natin yan sa budget hearing. Kaya bantayan ninyo ang budget hearing dahil kadalasan, dyan nagkaka-alaman kung sino ang pumupusturang king maker. Bakit duon? Aba, sa hearings na yan malalaman kung anong mga proyekto ang lulusot sa Senado at kung ano naman ang yayariin.

Ikalawang tanong– papayag ba ang puwersang Duterte na lamangang tuluyan ni Senate president Chiz Escudero ang kanilang manok na si Vice president Sara Duterte? Sa nakaraang survey, malakas na lamang sa Mindanao ang mga Duterte. Nagpapanalo ba ng presidente ang Mindanao? Kung pagbabasehan ang kasaysayan, hindi. Pero malaking balwarte pa rin ang Mindanao.

Ikatlong tanong– mukhang pumupusturang kingmaker ang mga Tulfo sa pangunguna ng kapatid na Raffy Tulfo. Sa balita, nagbuo ng mga partylists diumano itong mga Tulfo upang gawin nilang kasangkapan para maipanalo ang isa pang Tulfo, si Congressman Erwin at ang kapatid nitong si Ben Tulfo. Tanong ulit— may magic pa ba ang mga Tulfo sa darating na 2025 elections?

Kung umubra ang magic ng mga Tulfo, sa kauna-unahang pagkakataon, makikita natin ang tatlong magkakapatid sa Senado. Paghahanda ba ito na talagang tatargetin ni Raffy Tulfo ang panguluhan, at iwanan sa kangkungan ang kanyang kaalyadong si Speaker Martin Romualdez na ayon parin sa nakaraang SWS survey, ay mas mababa pa ang rating kaysa kay Supreme Court Chief Justice Alexander Geismundo. Talaga yatang bagsak sa madla itong si Speaker. Babangon pa ba ito? Mukhang mga natural dislike sa kanya ang mga mamamayan.

Interesting ano po ang darating na halalan. Magkakasubukan ang mga puwersang pulitikal para sa grand prize sa 2028. Ngayon, habang nakatuon tayo sa mga hinayupak na mga ito, daraan pa tayo sa mga matitinding pagsubok tulad ng mga likas na kalamidad at krisis pang-ekonomiya.

Kung sino ang makakapagbibigay giya sa atin para malampasan ang mga ito, tiyak, ito ang ating magiging Pangulo kapalit ni BBM sa 2028. Teka, hindi pa maliwanag sa lahat kung bibitiw nga o hindi sa kapangyarihan itong ating Pangulo.

Baka naman hindi Tulfo o Escudero o Duterte ang manalo sa 2028–baka repeat Marcos ba?

 


Discover more from Current PH

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Avatar photo
Filobserverhttp://filobserver.wordpress.com
FilObserver aims to be the top most in mind when it comes to Philippine and Asian news, culture, information and opinions.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

MUST READ

Unity in Action: ASEAN Youth Business Summit 2026 Ignites...

Manila, Philippines, March 26, 2026 — The ASEAN Youth Business Summit 2026 concluded successfully, bringing together young entrepreneurs, policymakers, and industry leaders from across...
video

Marcos, Ombudsman Powers, Oil Price Hike & PH Corruption...

https://youtu.be/a2Zv98hjy60 Marcos, Ombudsman Powers, Oil Price Hike & PH Corruption Issues This panel discussion explores the authority of the Ombudsman in handling cases involving public officials,...
video

Anti-Dynasty Bill Deadlock, Sara Duterte Impeachment & PH Corruption

https://youtu.be/YqkW8Jcb4F4 Anti-Dynasty Bill Deadlock, Sara Duterte Impeachment & PH Corruption This video analyzes several major political developments in the Philippines, focusing on the ongoing deadlock surrounding...
video

Sara Duterte Impeachment, Fuel Tax Delay & PH Accountability

https://youtu.be/CJykyKwUzvU Sara Duterte Impeachment, Fuel Tax Delay & PH Accountability This video examines key political and economic issues currently unfolding in the Philippines, focusing on the...
video

Sara Duterte Impeachment, Flood Scam & Marcos Oil Crisis...

https://youtu.be/dIthRuBXWP0 Sara Duterte Impeachment, Flood Scam & Marcos Oil Crisis in PH Articulo Onse has launched the “Consensia War,” a nationwide campaign demanding transparency and accountability...

Discover more from Current PH

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Current PH

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading