Ni: Nino Aclan
“Will you create anything na walang purpose?”
Ito ang tanong na binitawan ni Senador Alan Peter Cayetano sa 600 na estudyante mula sa International Electronics and Technical Institute, Inc. o IETI sa kanilang 57th commencement exercise nitong Lunes July 8, 2024.
“I say this to make you realize that at one point in time, you will start looking back and you will realize that you are a sum total of all your decisions,” sabi ng senador.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, ibinahagi ni Cayetano ang kanyang “4Ps” — Purpose, Planning, Payment, at People — bilang gabay para mas maunawaan ng mga nagtapos ang kanilang sarili sa pag-abot ng tagumpay at sa pagtupad ng plano ng Diyos.
“Your purpose is inside of you. If you really like it, it’s your passion, hint na ‘yan na iyan ang iyong purpose,” saad ni Cayetano.
Binigyang-diin din niya na kailangan ang disiplina sa pagtupad ng layunin ng bawat isa.
Sa pag-uugnay ng ikalawa at ikatlong “P,” payo ni Cayetano, “When you’re making your plans and looking at your purpose, think about the cost – the payment of your decision.”
“Pag masyado kang maraming priority, wala kang priority,” dagdag niya.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, iniugnay ni Cayetano ang huling “P” sa “People” o mga tao at binigyang-diin na nilikha ang bawat isa ayon sa imahe at pagkakahalintulad ng Panginoon.
“In life, you will meet all kinds of people, but try to see people the way the Lord sees people and try to look at people the way your parents look at you,” wika ng senador.
Ipinaalala rin ng senador sa mga nagtapos na gamitin at unawain ang 4Ps na ito upang makasunod sa plano ng Diyos at malaman ang kanilang susunod na hakbang sa buhay.
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
