Pagpapatayo ng maayos at matibay na kalsada ang proyekto ni Congresswoman Helen Tan sa Quezon province sa tulong ng DPWH.

Sa tulong ng proyekto ni Angeline “Helen” Tan, Congresswoman, Fourth District representative sa lalawigan ng Quezon, ay kasalukuyang ginagawa ang daan sa Brgy. San Vicente Tagkawayan, Quezon sa Quirino road papuntang Camarines Sur.

Malaking tulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga tao sa Lalawigan ng Quezon ang pagkakaroon ng maayos na daanan ng mga produkto mula sa mga sakahan patungo sa pamilihan.

“Binigyan po tayo ng DPWH (Department of Public Works and Highways) ng 50 Milyon na pondo para buksan ang daan na ito [Tagkawayan Guinayan Road],” sambit ni Rep. Helen Tan sa report sa kanyang Facebook page.

Kasalukuyang ginagawa ang daan na ito at patuloy ang progreso upang magamit agad ng mga byahero.

“Nakompleto na rin po natin yung Sumulong road at ginagawa na rin po yung tulay na may 640 meters at ito ang taon-taon na pinopondohan ng DPWH,” ani Tan.

Simula San Vicente, ang daanan ay sa mga sumusunod na barangay kung saan kokonekta ang tulay: Malinta, Kinatakutan, Katimo, Seguiwan, at hanggang sa Manato Station.

Isa ito sa mga high impact projects sa Quezon na pinagtutuunan ng panahon ni Rep. Helen Tan at hiniling sa DPWH.

Leave a ReplyCancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.